^

Metro

Partido politikal magkaisa na - Joey de Venecia

-

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Pwersa ng Masang Pili­pino (PMP) senatorial can­di­date Joey de Venecia III sa lahat ng partido-politikal na magkaisa matapos maproklama ng Kongreso  ang mga nanalong  kandi­dato na tumakbo sa mga national positions.

Kasabay nito’y binabati rin ni De Venecia ang lahat ng kandidato sa pagka-senador na napabilang sa Magic 12 na naiproklama ng Commission on Elect­ions gayundin ang kan­yang pasasalamat sa  may 9 milyong Pilipino na nag­tiwala sa kanya nitong nag­daang eleksyon

Ipinangako ng batang De Venecia na kahit nasa pribadong sektor siya, itu­tuloy pa rin niya ang pag­laban sa katiwalian at pag­susulong sa pagtayo ng iba’t ibang inprastruktura; at ang paggamit ng com­puter at internet ng ating mahihirap na kababayan.

“Nais kong pasalama­tan ang aking mga kaibi­gan, taga-suporta at mi­yem­bro ng aking pamilya na naging katuwang ko sa kauna-unahang paglusong sa politika. Tayo ay nagta­gumpay sa paglulunsad ng isang marangal na kam­panya na naka-base la­mang sa isyu. Batid ko ang tiwala at resposibilidad na iniatang sa akin ng siyam na milyong botante,” ani pa ni De Venecia.

Higit sa lahat ay kaila­ngan ng pagkakaisa, ayon kay de Venecia bilang ma­bilis na paraan upang agad na makabangon ang bansa.

BATID

DE VENECIA

HIGIT

IPINANGAKO

KASABAY

KONGRESO

MASANG PILI

NANAWAGAN

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with