^

Metro

Fil-Am arestado sa karnap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang 20- anyos na Filipino-American makaraang karnapin umano nito ang  sasakyan ng isang  Tsinoy sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Isinalang na sa inquest proceedings sa piskalya sa kasong carnapping ang suspect na si Gil Palingbatan, 20, ng Sitio Pacman, Brgy. Tinugay, Baras, Rizal.

Sa ulat ng QCPD-Station 10,  nag-ugat ang pag-aresto nang mapansin ng nagpapatrulyang mobile car QC-113 ang isang puting Toyota Crown (WND-304) na pagewang-gewang sa may kanto ng E. Rodriguez at Balete Drive pasado ala-1 ng hapon.

Dahil dito, sinundan ng mobile ang nasabing kotse na kalaunan ay nabatid na pag-aari ni  Herbert Yu, 27, binata ngunit habang papalapit ang una ay napuna ito ng Fil-Am kung kaya lalo niya itong pinaharurot papalayo.

Pagsapit sa panulukan ng E. Rodriguez at New York sa nasabi ring lugar ay saka ito nakorner at siniyasat.

Sinasabing nang hanapan ng awtoridad ng mga kaukulang papeles ng kotse ang  suspek ay wala itong maipakita kung kaya agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya para  maimbestigahan.

Ayon sa salaysay  ng biktimang si Yu, papunta umano  siya sa kanyang shop na LNS Paint & Body Kit Shop sa may  kanto ng  E. Rodriguez at Balete Drive ng tawagan siya ng kanyang empleyado na ang kanyang sasakyan ay  kinarnap.

At makalipas ang ilang oras ay tinawagan naman si Yu ng isang Danny Paz, dating may-ari ng nasabing kotse at ipinaalam na ang binili niyang kotse na nakarnap ay nasa tanggapan ng PS10 kung kaya agad siyang nagtungo dito para pormal na maghain  ng  reklamo laban sa suspect.

AYON

BODY KIT SHOP

DANNY PAZ

GIL PALINGBATAN

HERBERT YU

NEW YORK

SITIO PACMAN

TOYOTA CROWN

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with