^

Metro

Paslit bugbog-sarado sa ina

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsa­ kan ng isang ina makaraang ipa­dakip ng kanyang mga kapit­bahay dahil sa walang awang panggugulpi sa 6-anyos nitong anak na babae, ka­hapon ng umaga sa Pasig City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang suspek na si Ema Millian, 26, ng Block 3 Lot 15 Lupang Pari, Brgy. San Miguel, ng naturang lungsod.

Ipinatingin naman sa pa­ga­mutan ang biktimang itinago sa pangalang Alyn, matapos na halos magkulay talong sa dami ng pasa at black-eye sa mukha na na­tamo nito sa ina.

Sinabi ng pulisya na ilang concerned citizen umano ang nagreklamo sa mga opisyal ng barangay kaugnay sa ginawang sobrang pananakit ng suspek sa kanyang anak.

Base sa isinagawang im­bes­tigasyon ni PO2 Amy Baldonado, ng WCPD may hawak ng kaso, sinabi ng paslit na nagalit ang kanyang mama, matapos na hindi niya sundin ang bilin sa kanya na huwag lumabas sa kalsada makaraang iwan sa kanilang kapitbahay.

Ngunit dahil sa gustong makipaglaro, lumabas ang paslit kung saan naabutan ng ina na biglang nagalit at wa­lang awang sinuntok sa mukha ang anak saka pinag­pa­palo sa katawan.

vuukle comment

ALYN

AMY BALDONADO

ANTI-CHILD ABUSE LAW

BRGY

EMA MILLIAN

LUPANG PARI

PASIG CITY

REPUBLIC ACT

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with