LTO, BIR, at IC magsasanib puwersa vs pekeng insurance

MANILA, Philippines - Magsasanib puwersa ang Land Transportation Office (LTO),  Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang  Insurance Commission (IC) upang sugpuin ang paglipana ng mga pekeng insurance policies na nabibili ng mga motorista gayundin ang paghahabol sa mga buwis na hindi nababayaran ng tama.

Sa pamamagitan umano ng makabagong sistema na Enhanced Certificate of Cover Verification Facility (ECOCVF) ay awtomatikong mabeberipika ang bawat Certificate of Cover (CoC) at mas magiging epektibo ang collection of taxes ng national govern­ment sa  Compulsory Third Party Liability (CTPL) at Com­pre­hensive Insurance ng mga pampubliko at pribadong sasakyan.

Lumilitaw na umaabot sa P250 million ang nawawala sa  gobyerno taun-taon bunga na rin ng paglipana ng  mga pekeng  insurance policies para sa mga sasakyan.

Sinabi naman ni LTO chief Alberto Suansing, mabilis mala­laman ng ECOCVF  ang kaukulang buwis na babayaran sa bawat insurance policy na  inisyu ng mga insurance companies.

Matatandaang  sa pamamagitan ng ginanap na Memoran­ dum of Agreement sa pagitan ng LTO, BIR at IC noong  January 2010 tiniyak ng tatlong ahensiyang nabanggit na mapopro­tektahan na ang mga motorista mula sa mga unscrupulous insurance com­panies at masisiguro na tama ang pumapasok na buwis sa kaban ng gobyerno. Subalit ayon sa isang  LTO insider, ilan sa mga  insurance com­panies  ang patuloy na gumagamit ng  kasalu­kuyang  Cover Authenticating Facility (COCAF) bagama’t nagka­karoon ng hindi pagkakaunawaan.

Show comments