^

Metro

6 na KFR hinatulan ng 40-taon pagkakulong

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apatnapung taong pagka­bilanggo ang inihatol ng Que­zon City Regional Trial Court sa anim na miyembro ng kilabot na kidnap for ransom gang ma­tapos na mapatunayang nagka­sala ito sa pagdukot sa isang negosyanteng tsinoy noong taong 2004.

Sa desisyon ni QC-RTC Judge Luisito Cortez ng branch 85, napatunayang nagkasala sina Mario Patlonag, Antonio Escoton, Jr., Ric Lumacang, Jimmy Malinao, Rex Anthony Portado, at Francisco Mullon dahil sa pagdukot sa isang Vladimir Chuacoco noong Oktubre 6, 2004.

Kasabay nito, pinagba­bayad din ni Judge Cortez ang mga akusado ng P555,000, na may anim na porsiyentong interes na bibilangin mula sa araw na naisampa ang kaso noong Oktubre 22, 2004, para sa danyos sibil habang P100,000 naman ang itinakdang danyos para sa moral damages.

Binigyang-diin ng hukom sa isinagawang pagdinig ang pagtukoy ng biktima sa mga salarin sa pamamagitan ng pagtapik niya sa balikat ng mga ito, gayundin ang pagkilala ng asawa ng biktima kay Patlonag na siyang tumanggap ng ransom money kapalit ng ka­layaan ng huli.

ANTONIO ESCOTON

CITY REGIONAL TRIAL COURT

FRANCISCO MULLON

JIMMY MALINAO

JUDGE CORTEZ

JUDGE LUISITO CORTEZ

MARIO PATLONAG

OKTUBRE

REX ANTHONY PORTADO

RIC LUMACANG

VLADIMIR CHUACOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with