P25-milyong ari arian tupok sa sunog

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P25 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos lamunin ng malakas na apoy ang isang pabrika sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa report ng Valenzuela City Fire Department, nabatid na alas-11 ng umaga nang magliyab ang Insulate Manufacturing Corp., na matatagpuan  sa Miranda St., Brgy.  Paso de Blas ng nabanggit na  lungsod at pag-aari ng isang Kenneth Pe.

Isang malakas na pagsabog ang narinig at kasunod nito ang pagkalat ng apoy sa buong pabrika.

Tumagal ng mahigit isang oras bago naapula ang apoy kung saan wala naman naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente. Inaalam pa kung ano ang tunay na naging sanhi ng sunog.

Show comments