^

Metro

'Beer-belly' sa mga pulis, pinatatapyas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling maghihigpit ang Na­tional Capital Regional Police Office (NCRPO) sa mga pulis na busog na busog sa laki ang mga tiyan.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Roberto Rosales na siya mismo ang mangunguna sa 2010 First Semester Graded Physical Fitness Test (GPFT) sa lahat ng pulis na nakatalaga sa Metro Manila. Ito’y upang ipa­kita ang kanyang determinas­yon para maging “physically fit” ang kanyang mga tauhan.

Nakapaloob sa GPFT ang mga ehersisyong “pull-ups, sit-ups, push-ups, 100-meter dash at road run mula 1 hanggang 3 kilometro.

Kailangang maabot ng mga pulis ang “mini­mum standards” sa naturang mga ehersisyo upang makabilang sa mga sina­sabing “physically fit” at kayang tumugon sa serbisyo. 

Dito umano ibabatay kung kaya ng isang pulis na humabol sa isang tumatakas na kriminal, tumagal sa walong oras na patrol beat, paniniktik sa mga hindi kaaya-ayang lugar, o pag­pa­payapa sa magugulong demonstrador sa operasyon ng “Civil Disturbance Management (CDM)”.

Sa nakaraang GPFT nitong 2009, nasa 12,668 (97.3%) buhat sa 13,022 pulis ang naka­pasa.  Hindi naman pinayagan ang may 1,188 na pulis dahil sa problema sa kalusugan habang ang iba ay paparetiro na.

CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

DITO

FIRST SEMESTER GRADED PHYSICAL FITNESS TEST

KAILANGANG

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with