^

Metro

Atienza naghain ng protesta sa Comelec

-

MANILA, Philippines - Pormal na hiniling kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ni dating Environ­ment Secretary Lito Atienza na buksan ang mga balota at mag­sagawa ng manual count sa Maynila upang masiguro na walang naganap na dayaan noong nakaraang halalan.

Sa 13-pahinang protest na inihain ng abogado ni Atienza na si Atty. Romulo Macalintal sa Comelec hiniling nito na atasan ng Comelec  ang treasurer at election officer ng Maynila ga­yun­din ang mga tagapag-ingat ng balota na gumawa ng paraan upang masiguro ang integridad ng mga ballot boxes, voters lists, voting record, books of voters at iba pang dokumento, para­pher­ nalia na ginamit sa eleksyon ga­yundin ang electro­nic equip­ment at data storage devices na nag­lalaman ng re­sulta ng halalan.

Bukod dito hiniling din ni Macalintal na madala ang mga nabanggit  sa Comelec at sa san­daling madala sa komisyon ay kaagad na magsagawa ng re­count sa mga balota at pag­katapos ay magsagawa din ng beripikasyon at re-tabulation ng election returns sa mga pino­pro­testang precincts.

Nilinaw ni Macalintal na nais nilang pabuksan upang muling mabilang ng manu-mano ang may 1,441 na balota upang ma­siguro na tama ang resultang lumabas sa PCOS machines.

Samantala, nilinaw naman ni Atienza sa harap ng kanyang libu-libong supporters na sumu­god sa harapan ng gusali ng Co­melec na nais lamang nitong ma­siguro ang integridad ng elek­syon sa Maynila subalit handa naman siyang sumuko kung talagang lalabas sa manu-manong bilangan na na­ talo siya sa nakaraang halalan.

ATIENZA

BUKOD

COMELEC

MACALINTAL

MAYNILA

NILINAW

ROMULO MACALINTAL

SECRETARY LITO ATIENZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with