Salvage victim natagpuan
MANILA, Philippines - Isang lalaking pinaniniwalaang karnaper ang natagpuang patay at may masking tape ang mukha kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima kung saan ito ay nakasuot lamang ng kulay itim na underwear at may tattoo ng Bahala na Gang at Nonie Kulit sa kanang tuhod.
Samantala, blanko pa ang Caloocan City Police kung sino ang responsable sa pag-salvage sa biktima.
Lumalabas na balot na masking tape ang mukha ng biktima kung saan nakasulat ang markang “huwag tularan, karnaper ako.” at matinding bugbog sa katawan na sinasabing ikinamatay nito.
- Latest
- Trending