^

Metro

TRAHEDYA SA SKYWAY: Babaeng driver ng Fortuner, pumanaw na rin

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pumanaw na ang ba­baeng driver ng Toyota For­tuner na bumaligtad sa Sky­way na unang ikinasawi ng tatlong paslit na pasahero nito kamakalawa ng hapon.

Hindi na kinaya ng 35-anyos na si Sehawi (unang na­iulat na Marilyn) Rakiin, ng Mola St., Brgy. La Paz, Makati City, ang natamong mga pin­sala sa buong katawan nang bawian ng buhay habang gina­gamot sa loob ng Para­ñaque Doctors Hospital.

Nasawi rin sa naturang aksidente ang mga paslit na sina Shelimar Rakiin, 6-an­yos, anak ni Sehawi; Cheryl Joy Rondon, 10; at pin­san na si Daryl Lopez, 10-anyos.

Malubha naman sa loob ng nabanggit na pagamutan ang iba pang sakay ng For­tuner na sina Mylene Himuya, 17, kasambahay; Kim Daryl Lopez, 12; Mark Loren Lopez, 15; at Charlene Rakiin, 2-an­yos, na nakaratay sa “inten­sive care unit”.  Unang naiulat na apat lamang ang sakay ng behikulong naaksidente ngunit lumalabas sa dagdag na imbestigasyon na walo ang sakay nito.

Nadiskubre ng mga im­bes­tigador na sumabog ang mga gulong ng itim na For­tuner (ZMU-898)  na sinasak­yan ng mga biktima. Hindi naman makumpirma ni Eduardo Nepomuceno, ng Skyway O&M Corporation (SOMCO) kung ang pagsa­bog ng gulong ang dahilan ng aksidente o sumabog lamang ito makaraang bumangga sa concrete railings ng Skyway.

Nabatid na unang sumal­pok ang sasakyan sa barrier bago ito nagpa-ikut-ikot hang­gang sa tumaob may 100 metro ang layo sa orihinal na “impact site”.

Sa inisyal na imbes­ti­gasyon, patungo sana ang mga biktima sa Enchanted Kingdom nang maganap ang trahedya.

vuukle comment

CHARLENE RAKIIN

CHERYL JOY RONDON

DARYL LOPEZ

DOCTORS HOSPITAL

EDUARDO NEPOMUCENO

ENCHANTED KINGDOM

KIM DARYL LOPEZ

LA PAZ

M CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with