^

Metro

Nanay ni Hayden Kho, ipinaaaresto

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City court upang arestuhin  si Mrs.Irene Kho, ina ng  kontrobersyal na cosmetic doctor Hayden Kho, Jr. dahil sa dalawang bilang ng  libel  na isinampa rito ng aktres na si Katrina Halili o Ma. Katri­na Iren Halili sa tunay na buhay.

Ang pagpapahuli kay Mrs. Kho ay pinalabas ni  Judge Luisito Cortez ng QC Regional Trial Court Branch 84  at ni­re­ko­­menda nitong mag­piyansa ang akusado ng halagang P10,000 sa kada bilang ng  libel case nito para pan­sa­mantalang maka­laya.

Nag-ugat ang kaso nang magkomento si  Mrs. Kho  sa magkahi­walay na TV inter­views at akusahan si  Halili na isang  drug addict at ang aktres umano ang nagturo sa anak na gumamit ng droga.

Noong  Agosto  6, 2009, di­nis­mis ni  QC Asst. City Pro­secutor Rafael Villordon ang kasong ito laban kay Mrs. Kho dahilan sa hindi umano naka­kita ang korte ng base­han para idiin sa libel si Mrs Kho.

Gayunman, nagsampa ng petition for review si Halili sa  Department of Justice para salungatin ang desisyon ni Villordon. Dahil dito, nag- utos noong Marso 12,2010 si dating DOJ Secretary Agnes Devanadera sa  QC prose­cutor na maaaring paru­sahan si  Mrs. Kho dahil may base­han para idiin ito sa kaso.

CITY PRO

DEPARTMENT OF JUSTICE

HALILI

HAYDEN KHO

IREN HALILI

IRENE KHO

JUDGE LUISITO CORTEZ

MRS. KHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with