Fetus iniwan sa CR ng food chain

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga kustomer ng isang food chain matapos matagpuan ang isang 4-5 buwang fetus sa comfort room ng mga babae sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi. Ayon kay Det. Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas- 6 ng hapon ng madiskubre ang fetus sa ladies comfort room ng Mc Donald na matatag­puan sa Quirino, Malate ng lungsod.

Sa pahayag ng service crew na si Christopher Agot, napuna niya ang isang boteng plastic na itinatago sa likod ng toilet bowl. Nang kaniya itong tingnan ay napasigaw ito sa pagkabigla ng mabatid na isang fetus ang laman ng bote. Agad namang ipinaalam ni Agot sa manager ng food chain ang pagkakatagpo sa fetus at inireport ito sa pulisya. Pinani­ni­walaan namang ang ba­baeng kustomer na nagmamadaling umalis ang umabandona sa naturang fetus.

Show comments