^

Metro

2 utas, 1 pa grabe sa pamamaril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang malub­hang nasugatan nang rat­ratin ang mga ito ng dala­wang arma­dong kalalakihan habang ang mga biktima ay nag-iinuman sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lee Marvin Medina, 27, may-asawa, construction worker; at Ralph Mediana, 21, binata; pawang mga residente sa Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Patuloy namang gina­gamot sa East Avenue Me­dical Center ang sugatang si Mark Lloyd Mediana, 18, binata, ng nasabi ring baran­gay matapos na magtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita.

Inaalam pa ng mga awto­ridad ang pagkakakilanlan ng dalawang salarin na pawang mga nakasuot ng bull cap na mabilis na tuma­kas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PO3 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Major Marcos St., corner 5th St., Veterans Village ganap na alas-10 ng gabi.

Kasalukuyang nag-iinu­man ang tatlong biktima ka­sama ang apat pang kaibi­gan sa nasabing lugar nang big­lang dumating ang mga suspect at pinaulunan ang mga ito ng bala.

Sa pagratrat ng mga suspect tinamaan ng bala sa leeg at baba si Lee Marvin, habang si Ralph naman ay nagtamo ng bala sa ulo, tiyan at kali­wang tuhod, samantalang si Mark Lloyd ay sa kaliwang hita.

Narekober sa pinang­yarihan ng krimen ang limang basyo ng cal. .45 pistol na ginamit ng mga suspect sa pamamaril sa mga biktima. Isinasailalim pa sa imbesti­gasyon ang kasong ito.

vuukle comment

EAST AVENUE ME

JOSELITO GAGAZA

LEE MARVIN

LEE MARVIN MEDINA

MAJOR MARCOS ST.

MARK LLOYD

MARK LLOYD MEDIANA

SHY

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with