^

Metro

Aircon bus hinoldap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hinoldap ng tatlong arma­dong kalalakihan na pinani­niwalaang miyembro ng notoryus na robbery/holdup gang ang isang aircon bus habang bumabagtas sa ka­habaan ng Edsa, sa North Avenue, Quezon City ka­hapon ng tanghali.

Ayon sa mga imbestigador ng Quezon City Police District, ang hinoldap na bus ay ang Divine transport (TXR-301) na may biyaheng Malanday-Baclaran at minamaneho ng driver nitong si Wilson Iligan, 49, may-asawa, ng Sta. Maria Bulacan.

Ayon sa ulat, nilimas ng tatlong mga suspect ang mga bag ng mga kababaihang bik­tima, na naglalaman ng pera, cellphone at mga impor­tan­teng dokumento.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Edsa par­tikular sa harap ng SM City North Edsa habang binabag­tas ito ng nasabing bus, ga­nap na ala-1 ng hapon.

Bago ito, sumakay umano ang mga suspect sa may Monu­mento kung saan nag­hiwalay hiwalay ang mga ito ng upuan at pagsapit sa natu­rang lugar ay saka nagdeklara ng holdap.

Sinabi ni Iligan, isang suspect ang nasa kanyang liku­ran ang tumututok ng baril sa kanya habang ang dalawa naman na may dala ring baril at kutsilyo ay nililimas naman ang mga gamit ng mga pasa­hero.

Nang makuha ang kani­lang pakay sa mga biktima ay nagsibaba ang mga suspect paglagpas sa Quezon Avenue sa may Mother Ignacia na mabilis na nagsitakas .

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso kung saan ipinagtataka ng mga ito kung bakit hindi kinuha ng mga suspect ang perang dala ng konduktor ng bus.

AYON

CITY NORTH EDSA

EDSA

MARIA BULACAN

MOTHER IGNACIA

NORTH AVENUE

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with