^

Metro

Dalaga hulog sa motorsiklo, pisak pa sa truck

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 22-anyos na dalaga makaraang malaglag sa motorsiklong inaangkasan nito ay magulungan pa ng kasunod na truck sa Valenzuela City kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gemmalyn Balubayan, dalaga, ng Vicente St., Karuhatan, ng naturang lungsod habang nilala­patan naman ng lunas sa St. Luke’s Hospital ang nagma­maneho ng motorsiklo na si Remarte Dela Cruz, 35, ng San Rafael, Bulacan.

Kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trailer truck (TMX-583) na si Christopher Bulos, 22, ng Burgos St., Canumay, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela Police, naganap ang trahedya dakong alas-9:53 ng gabi sa McArthur Highway sa tapat ng isang gasolinahan sa Brgy. Karuhatan. 

Ayon sa mga saksi, bigla umanong nahulog sa motorsiklo si Balubayan sanhi upang mawalan ng kontrol sa pag­mamaneho si Dela Cruz at tuluyang sumemplang. 

Mas minalas naman ang babae nang hindi agad maka­pag­preno ang kasunod na truck na minamaneho ni Bulos at tuluyan itong nagulungan at nakaladkad pa ng ilang metro. Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at   inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence re­ sulting to homicide laban sa driver ng truck.

vuukle comment

BURGOS ST.

CHRISTOPHER BULOS

DELA CRUZ

GEMMALYN BALUBAYAN

KARUHATAN

REMARTE DELA CRUZ

SAN RAFAEL

SHY

ST. LUKE

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with