Calixto iprinoklama sa Pasay

MANILA, Philippines - Bagong administrasyon na rin ang mamamahala ngayon sa pamahalaang lungsod ng Pasay makara­ang opisyal nang maiproklama kamakalawa ng hapon si Mayor-elect Antonio Calixto.

Lagpas alas-5 na ng hapon nang iproklama ng Comelec si Calixto, dating bise-alkalde ng lungsod makaraang makakalap ng 59,057 boto kumpara sa 56,576 boto ng pinakamalapit nitong karibal na si dating Rep. Connie Dy.

Nasa malayong pangatlo naman si outgoing Mayor Pewee Trinidad na nakakuha lamang ng 46,178 boto. Kasama ring naiproklama ang nanalong pagka-bise alkalde na si Marlon Pesebre na may 54,603.

Show comments