^

Metro

1 patay, 1 sugatan: 2 kawani ng Maynilad, inararo ng dump truck

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng Maynilad ang nasawi, habang malubha na­mang nasugatan ang kasamahan nito makara­ang araruhin sila ng isang dambuhalang dump truck habang gumagawa ng sirang tubo ng tubig sa isang hukay sa kahabaan ng Quirino highway sa lungsod Quezon kaha­pon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot si Anthony Jacinto, 28, sub-contractor ng May­nilad.

Sugatan naman ang kasamahan nitong si Edgardo Palermo, 23, ng Caloocan City.

Hawak naman ng pu­lisya ang driver ng Isuzu dump truck (UBL-5031) na si Daniel delos San­tos, 39.

Nangyari ang insi­dente sa may intersection ng Quirino Highway cor­ner Tandang Sora Ave­nue, Brgy. Sangandaan sa lungsod ganap na alas- 2 ng madaling araw.

Ayon sa ulat, kasalu­kuyang busy sa pagku­kumpuni ng tumagas na tubo ang mga biktima sa nasabing lugar nang walang kaabug-abog araruhin sila ng rumara­gasang dump truck.

Ito ay sa kabila na napapaligiran ng harang at mga warning sign ang hukay na pinagta-traba­huhan ng dalawa.

Katwiran naman ng driver, hindi na umano niya namalayan ang pang­yayari dahil sa ina­antok na siya habang bu­mibiyahe.  

vuukle comment

ANTHONY JACINTO

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

EDGARDO PALERMO

HAWAK

ISANG

QUIRINO HIGHWAY

SHY

TANDANG SORA AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with