^

Metro

Paglilinis sa Ilog Pasig tatapusin sa Agosto

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni  Arch. Deogracias Tablan, Exe­cutive Director ng Pasig Reha­bilitation Center na matatapos ngayong Agosto ang  paglilinis ng  Ilog Pasig kasabay ng tu­long ng  pamahalaan at ng mga non-government organization.

Ayon kay Tablan, layon ng dredging at paglilinis  ng ilog na maibsan ang  pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila  bunga na rin ng pagtaas ng tubig at ma­bagal na agos nito. Sinabi ni Tablan na anim na taon ang ka­nilang target sa re­ha­bilitasyon o paglilinis ng  ilog subalit  na­gawa lamang ito sa  loob ng isa’t ka­ lahating taon bun­sod na rin ng  pakikipag­tulungan at koordi­nas­yon ng publiko at ilang sektor.

Sa katunayan umano, uma­abot na sa 78 porsiyento ang  completion ng  rehabilitation kung kaya’t inaasahan na  ma­tatapos ito sa  kalagitnaan ng taon. Umaabot na  rin sa 2.3 milyon tonelada ang nakuha nilang basura sa kanilang pagli­linis ng ilog.

AGOSTO

AYON

DEOGRACIAS TABLAN

ILOG PASIG

MALAKI

METRO MANILA

PASIG REHA

SHY

TABLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with