Binay wagi rin sa SWS-ABC 5 exit polls
MANILA, Philippines - Maituturing na consistent ang mga naglalabasang resulta na pumapabor kay United Opposition (UNO) vice presidential bet Jejomar C. Binay matapos na lumitaw na panalo rin ito sa exit polls na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) at ABC-5, kung saan nakalamang si Binay kay Roxas ng 2.4 percent.
Sa kabuuang 35,825 votes mula sa 731 ng 802 sampled polling centers sa buong bansa, ang exit poll ay nagbigay kay Binay ng 40.7 percent, na tumalo sa nakuha ni Roxas na 38.3 percent. Ang resulta ng exit polls ay inilabas noong gabi ng Mayo 11.
Base sa analysis ng mga resulta, rumatsada agad si Binay kay Roxas ng 14 mula sa 17 rehiyon. Lumamang din si Binay kay Roxas sa lahat ng socio-economic classes, age group, at religious denominations. Ang SWS-ABC 5 exit polls ay katulad ng resulta ng ABS-CBN-Pulse Asia exit Polls, kung saan tumanggap si Binay ng 42.7 percent ng mga boto habang si Roxas ay nakakuha naman ng 37.4 percent o pangunguna sa kabuuang five percent. Ipinakita sa SWS-ABC 5-Survey na nakuha ni Binay ang 40.7 ng kabuuang mga boto na sinundan ng 38.3 ni Roxas noong 9 p.m. ng Mayo 11.
- Latest
- Trending