Rambol: 2 patay
MANILA, Philippines - Kapwa humandusay ang dalawang lalaki matapos ang naganap na rambol sa lungsod Quezon kamakalawa.
Kinilala ang mga biktima na sina Ric Fontillas, 24; at Christopher Sta. Maria, alyas Topek; kapwa ng Brgy. Gulod sa lungsod.
Sa ulat ni PO3 Manuelito Juanson, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Luzviminda St., Brgy. Gulod, Novaliches sa lungsod pasado alas-10 ng gabi.
Bago ang insidente, nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang mga dalawa sanhi upang magsuntukan ang mga ito. Nasa kainitan ng pambuno ang dalawa nang makialam ang grupo ni Fontillas at pinagbubugbog si Sta Maria.
Ilang sandali ay rumesbak si Sta. Maria na may dalang patalim at pinagsasaksak sa katawan si Fontillas.
Sa komosyon, isang hindi nakikilalang suspect ang bigla na lamang inundayan ng saksak sa katawan si Sta Maria.
Si Fontillas ay agad na itinakbo sa Quezon City General Hospital ngunit nasawi rin ito. Habang si Sta. Maria ay isinugod sa Novaliches General Hospital at idineklarang dead-on-arrival.
- Latest
- Trending