^

Metro

Van ng Philpost hinaydyak ng 5 armado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang van ng Philippine Postal Corporation na naglalaman ng iba’t ibang uri ng liham ang hinay­dyak ng limang armadong kalalakihan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay Chief Supt. Banjardi Mantele, district director ng Quezon City Police, nabatid ang insi­dente makaraang magtungo sa ka­nilang tang­gapan ang mga biktimang emple­yado na sina Alejandro Alejandor Jr., 48, driver; at Reynaldo Valenzona, 52, courier, ng Philpost.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joy Marcelo, ang insi­­dente ay naganap sa may harap ng Valiant Distributors Inc. na matatagpuan sa 15 Road, Libis, Brgy. Ugong sa lungsod ganap na alas-6:40 ng umaga.

Lumilitaw na minamaneho ni Alejandro ang L-300 close van (SGY-501) kasama si Valen­zona, at tinatahak ang naturang lugar nang hara­ngin sila ng isang Nissan Sedan na kulay silver (URS-888).

Tatlo sa mga suspect ang biglang bumaba mula rito na may bitbit ng baril saka tinutukan ang mga biktima bago inagaw ang manibela kay Alejandro.

Matapos nito ay binitbit ng mga suspect ang dalawang biktima at isinakay sa kanilang get away car, kung saan pagsapit sa Buendia Avenue malapit sa EDSA Makati City ay pina­baba ang mga huli bago nagsitakas papalayo sa lugar ang mga una.

Sa puntong ito, nagpasya ang mga biktima na dumulog sa malapit na police station ng QCPD partikular sa station 12, para mag­reklamo.

Nagtataka naman ang awtoridad kung bakit hinaydyak ang naturang sasakyan gayong ang laman nito ay pawang mga sulat lamang.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbesti­gasyon ng pamunuan ng Criminal Investi­ gation and Detective Unit ng QCPD upang matukoy ang mga suspect sa pamamagitan ng na­kuhang plate number.

ALEJANDRO

ALEJANDRO ALEJANDOR JR.

BANJARDI MANTELE

BUENDIA AVENUE

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTI

DETECTIVE UNIT

JOY MARCELO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with