^

Metro

'Expats' nangunguna sa BI-registered aliens

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nanguna ang mga expat­riates sa listahan ng mga dayuhan na may resident visas sa bansa, ayon sa record mula sa Bureau of Immigration (BI).

Nabatid buhat sa BI alien registration division na noong Mayo 4 ng taong kasalukuyan mayroong 46,241 expatriates na mayroong balidong working visas ang nairehistro ng BI.

Ayon kay Immigration Com­missioner Marcelino Libanan ang tumataas na bilang ng ex­patriates ay patunay na Pili­pinas pa rin ang pinipiling in­vest­ment site ng multinational companies. Nilinaw naman ni BI-Alien Re­gistration Division (ARD) Chief Danilo Almeda na ang expatriates ay binubuo ng ma­yorya ng mga dayuhan na binig­yan ng non-immigrant visas na balido lamang sa itinakdang panahon dahil sa pagtanggi ng mga ito sa permanent visa.

Ang working visa ay may maximum validity ng three years na renewable naman at iniisyu sa mga dayuhan kung saan patuloy umanong tumataas ang bilang ng mga aplikante para sa working visa ng mga naka­raang taon dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga dayuhang negosyante sa bansa.

Idinagdag pa ng BI na ang mga dayuhan ay kinakatigorya na mayroong permanent resi­dents samantalang lumalabas sa record na umaabot sa 31,000 expat ang nasa bansa.

Pangatlo sa listahan ng BI na rehistradong mga dayuhan ay 16,382 permanent residents na kasal sa mga Filipino at 16,501 na iba pa ang may hawak ng student visas.

ALIEN RE

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

CHIEF DANILO ALMEDA

IDINAGDAG

IMMIGRATION COM

MARCELINO LIBANAN

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with