^

Metro

Tensyon naghari sa canvassing sa Pasay City

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tumindi ang tensyon sa pagitan ng mga taga-suporta nina incumbent Mayor Pewee Trinidad at Vice-mayor Antonio Calixto makaraang magsisugod sa canvassing area dahil sa nabinbin na proklamasyon ng nanalong kandidato.

Nagkasigawan at muntik nang magsalpukan ang panig ng dalawang grupo kung saan napuwersa si Pasay City police chief, Sr. Supt. Raul Petrasanta na magtalaga ng may 100 pulis sa canvassing­ area.

Ayon kay Teresita Barcelona local Comelec Assistant ng Pasay City, napuwersa silang itigil muna ang proseso kamakalawa ng umaga sanhi ng kabiguan ng mga PCOS machine na mai-transmit ng maayos ang resulta ng botohan sa national at lokal na kandidato.

Habang isinusulat ito, may 91.89 porsyento na ng kabuuang boto ang naka-canvass. Nananatiling nakalalamang si Calixto na nakakuha na ng 59,012 na boto habang si Consuelo Dy ay may 56,705 samantalang 41,117 lamang ang nakuha ni re-electionist Trinidad.

Sa Muntinlupa City, tuluyang naproklama na rin si incumbent Mayor Aldrin San Pedro bilang nanalong mayor ng lungsod. Nakapagtala si San Pedro ng 108,091 boto laban sa 76,808 boto ni dating Mayor Jaime Fresnedi. Idineklara si San Pedro kamakalawa ng hatinggabi.

vuukle comment

ANTONIO CALIXTO

COMELEC ASSISTANT

CONSUELO DY

MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

MAYOR JAIME FRESNEDI

MAYOR PEWEE TRINIDAD

PASAY CITY

RAUL PETRASANTA

SA MUNTINLUPA CITY

SAN PEDRO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with