^

Metro

Binata todas sa kalabang gang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang kaliwang sentido ng isang binata na agad na ikinamatay nito matapos na barilin ng dalawang miyembro ng kalabang gang sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Emilio Gutierrez, miyembro ng Notorious F Teenager (NFT) gang at residente ng Dama de Noche St., Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspect na nakilalang sina Jovic Almero at alyas Chris; kapwa miyembro ng Scout Royal Brotherhood (SRB) at residente sa Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may 5-A St., Pro­ject 6 sa lungsod pasado alas- 2 ng madaling-araw.

Diumano, tumutulong sa pag­tatanggal ng mga posters ng isang kandidato ang mga pinsan ng biktimang sina Jorome Bautista at Daniel Benig nang pagbabatuhin ang mga ito ng bote ng alak ng mga suspect.

Dahil dito, napilitang gu­manti sina Bautista at Benig saka nagpasyang magsum­bong sa biktima.

Agad namang nagpunta sa lugar ang biktima, ngunit sinalu­bong ito ng putok ng baril mula kay Chris kung saan tinamaan ito sa kaliwang sentido.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect habang ang biktima ay isinugod sa Veterans Memorial Medical Center ngunit idinek­lara din itong patay.

vuukle comment

A ST.

BAHAY TORO

BRGY

CHRIS

DANIEL BENIG

EMILIO GUTIERREZ

JOROME BAUTISTA

JOVIC ALMERO

NOCHE ST.

NOTORIOUS F TEENAGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with