^

Metro

Ilang kaso ng vote-buying sa Quezon City natala

- Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hindi bababa sa 100 kaso ng vote-buying ang mga ulat na natanggap ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) mula nang mag-umpisa ang botohan kahapon ng alas-7 ng umaga.

Ayon kay PPCRV media communications Dir. Ana Singson, karamihan sa mga report ay nang­gagaling sa kanilang mga coordinator sa mga lalawigan.

Aniya, isa sa mga talamak na lugar ng vote-buying ang Quezon City, kung saan P500 hang­gang P1,000 ang ibinibigay bawat botante.

Samantala, arestado ang isang dating kagawad sa Quezon City dahil sa vote-buying.

Ayon sa Quezon City Police District-Station 9 (Anonas), nakatanggap sila ng tawag hinggil sa pamimili ng boto ng isang dating kagawad kaya agad silang rumesponde sa isang bahay sa Project 2 at kanilang inaresto ito.

Naabutan pa ng mga pulis ang pila ng mga taong binibigyan ng pera ng dating kagawad na kilalang lider ng isang kandidato na kalaban ni Herbert Bautista na tumatakbong alkalde sa Quezon City.

Nabawi ng pulisya mula sa suspek ang may­roong ilang bundle ng tig-P100 at P500 na paper bills at isang bag na naglalaman ng mga pangalan at identification cards.

Samantala, itinuturing na peaceful ang na­ganap na election sa lungsod.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Quezon City Police (QCPD) director Chief Supt. Benjardi Man­tele, matapos na magtala ng zero crime rate sa kabuuan ng halalan na naganap sa may 172 polling centers sa lungsod.

Ayon kay Mantele, ito ay sa kabila anya ng maraming polling precincts ang nagkaroon ng aberya dahilan upang magkaroon ng munting kaguluhan sa maraming botante.

Gayunman, sabi ni Mantele, wala namang naging marahas sa mga ito sa halip ay dinoble pa ang pagtitiyaga para makaboto sa kauna-unahang election gamit ang automation.

ANA SINGSON

AYON

BENJARDI MAN

CHIEF SUPT

HERBERT BAUTISTA

PARISH PASTORAL COUNCIL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with