10 tiklo sa alak

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District ang 10 katao na naaktuhang umiinom ng alak sa loob ng isang bar sa Ermita, Maynila. Apat na oras nang nag­simula ang ipinatutupad na liquor ban ng Commission on Elections.

Kinilala ni Supt. Jose Hidalgo Jr., hepe ng MPD Station 5, ang mga naarestong sina Philip Modino, 30; Cyrus Santos, 24, Vicente Bucoy, 24; at Amado Gindoy na pawang huli sa aktong umiinom ng alak sa loob ng isang restaurant.

Bukod sa apat, binitbit din at sasampahan din ng paglabag sa Comelec Resolution 8730 o liquor ban ang mga empleyado ng nasabing bar na sina Arjay Soria, 18; Rommel Osensao; 19, Dennis Barros, 26; Jay-Ar Mendoza; Ricardo Licda at Aljon Agaoa.

Dakong alas-4:00 ng madaling araw ng Linggo nang pasukin ang nasabing restaurant sa panulukan ng Escoda at Benitez Streets sa Ermita.

Show comments