10 tiklo sa alak
MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District ang 10 katao na naaktuhang umiinom ng alak sa loob ng isang bar sa Ermita, Maynila. Apat na oras nang nagsimula ang ipinatutupad na liquor ban ng Commission on Elections.
Kinilala ni Supt. Jose Hidalgo Jr., hepe ng MPD Station 5, ang mga naarestong sina Philip Modino, 30; Cyrus Santos, 24, Vicente Bucoy, 24; at Amado Gindoy na pawang huli sa aktong umiinom ng alak sa loob ng isang restaurant.
Bukod sa apat, binitbit din at sasampahan din ng paglabag sa Comelec Resolution 8730 o liquor ban ang mga empleyado ng nasabing bar na sina Arjay Soria, 18; Rommel Osensao; 19, Dennis Barros, 26; Jay-Ar Mendoza; Ricardo Licda at Aljon Agaoa.
Dakong alas-4:00 ng madaling araw ng Linggo nang pasukin ang nasabing restaurant sa panulukan ng Escoda at Benitez Streets sa Ermita.
- Latest
- Trending