Payapang halalan sa QC tiniyak
MANILA, Philippines - Tiniyak ng hanay ng Quezon City Police District na magiging mapayapa ang halalan sa lahat ng presinto sa Quezon City.
Ayon kay Chief Supt. Benjarde Mantele, bagong talagang director ng QCPD, simula nang siya ay maupo bilang direktor ay wala pa silang natatanggap na kaguluhan sa hanay ng mga politiko na indikasyon na walang magiging problema na uusbong sa araw ng election.
“Alam mo naman dito sa QC, mga mababait ang mga politiko dito, kaya wala akong nakikitang posibleng maganap na gulo, maliban na lang sa ilang mga supporters na talagang hindi makakatiis pero mild lang yan,” sabi ni Mantele.
Upang masigurong maipapatupad nila ang mahigpit na seguridad, may mga nakalaan na silang pulisya na magmamanman.
- Latest
- Trending