^

Metro

Parak huli sa 'hulidap'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakauniporme pa nang arestuhin ang isang kagawad ng Manila Police District (MPD) ng kanyang mga ka­baro matapos ireklamo nang pang­ha­hablot umano ng bag ng isang babaeng negos­yante matapos sitahin sa traf­fic vio­ lation ang huli, sa Er­mita, May­nila,  kahapon ng hapon.

Nakaposas habang iniim­bestigahan ang suspek na si PO1 Faustino Centino, 40, naka­­­talaga sa MPD-District Mobile Force (DMF), ng Lico St., Tondo, kaugnay sa rek­lamo ni Faiza Datu Neknek, 27, ng Tuguegarao City.

Sa ulat ni MPD-General As­signment Section , chief, C/Insp. Marcelo Reyes, dakong ala-1:15 ng hapon nang ma­ganap ang insidente sa panu­lukan ng Katigbak St., at Roxas Blvd., sa Ermita.

Sa salaysay ng biktima, sakay siya ng isang Adventure (JMB 483) na minamaneho ni Rauf Sultan Lucman, nang si­ta­hin sila ng suspek na sakay umano ng pulang motor­siklong walang plaka dahil umano sa ‘beating the red light’.

Habang hinihingi umano ang lisensiya ng drayber ay nakatingin ito sa pasahero na si Faiza at nakita umano ang bag nito saka dinakma at tang­­kang itakbo subalit napi­gilan siya ng drayber.

Natiyempuhan naman ng nagpapatrulyang MPD Mobile car (306) na sakay sina PO3 Erwin Bucad at PO3 John Labrador ang komosyon kaya inaresto ang nasabing pulis.

DISTRICT MOBILE FORCE

ERWIN BUCAD

FAIZA DATU NEKNEK

FAUSTINO CENTINO

GENERAL AS

JOHN LABRADOR

KATIGBAK ST.

LICO ST.

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with