Mister iniwan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Matapos iwan  ng misis, isang mister ang nagbigti kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Bryan Jasper Jimenez, 26, ng Salvador St., Santa  Queteria ng lungsod na ito. Batay sa ulat ng pulisya, alas-9 ng umaga nang makitang nakabigti ng kable ng kuryente ang biktima ng kanyang mga kaanak sa loob ng kanyang kuwarto sa nabanggit na lugar.

Nabatid na naging problemado ang biktima mula nang iwan ng kanyang asawang si Michelle. Hindi aniya matanggap ng biktima na iwanan siya ng kanyang misis, kaya ginawa nito ang pagkitil sa sariling buhay.

Show comments