^

Metro

Arsenal ng Commando gang sa Manila City Jail, nabuko

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tatlong lider ng Com­mando gang na nakapiit sa Manila City Jail ang inilagay sa barto­lina matapos ma­buko sa isi­nagawang inspek­siyon sa pinaniniwala­ang arsenal o taguan nila ng deadly weapons, sa loob ng kanilang selda kama­kalawa ng  gabi.

Nabatid sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology na nakarekober sila ng may 100 icepick, mga cellphone, baril at pera na ibinaon sa floor­ing na may hukay ka­sunod ng greyhound opera­tion ng BJMP at paalisin lahat ng mga preso na kinabibila­ngan ng Com­mando gang, sa kanilang selda para sa head count.

Kabilang sa sinasabing lider ng nasabing gang sina Pablito Patlonag, Renato Ilao at Abdullah Badrodin.

Pinaniniwalaang ang mga narekober na armas ay idina­daan sa paglusot ng mga dalaw o ibinabato umano sa gilid ng piitan mula sa squatter area na nakapaligid sa MCJ.

Ang mga nasabing armas ay karaniwang nag­la­labasan sa oras na mag­karoon ng riot sa isang piitan ng mga mag­ka­kala­bang gang, tulad ng Ba­tang City Jail, Sputnik at iba pa.

Tiniyak naman ni BJMP Chief Director Rosendo Dial na magpapatupad sila ng paghihigpit upang hindi na malusutan ng mga armas ng mga preso.

Magkakaroon din umano ng balasahan ng mga warden matapos ang eleksiyon.

Kasalukuyang Jail war­ den ng MCJ si Supt. Hernan Grande.

ABDULLAH BADRODIN

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF DIRECTOR ROSENDO DIAL

CITY JAIL

HERNAN GRANDE

KASALUKUYANG JAIL

MANILA CITY JAIL

PABLITO PATLONAG

RENATO ILAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with