'Landslide victory' ni Mayor San Pedro

MANILA, Philippines - Sigurado na ang “land­­slide victory” ni Mayor Aldrin San Pedro sa Mun­tinlupa batay sa mga survey at endorse­ment. Pormal nang inin­dorso ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni Mayor Aldrin San Pedro sa Mun­tinlupa. “Taus-puso akong nag­­papasalamat sa Iglesia ni Cristo sa ka­nilang patuloy na pagti­tiwala at pagsu­porta,” wika ni Mayor San Pedro. Ang pag-endorso ng INC kay San Pedro ay mas lalong nagpalakas sa kan­yang kandidatura na nag­pipinto ng kan­yang land­slide victory sa Mun­tinlupa laban kay Jaime Fresnedi. Patuloy din ang pa­ngu­nguna ni San Pedro sa mga survey sa Mun­ tin­lupa. Sa isang online poll, naka­kuha si San Pedro ng 62.33 percent o 1,026 boto, may ma­laking la­mang siya na 27.64 per­cent laban kay Fresnedi na nakakuha lamang ng 34.69 percent.

Show comments