^

Metro

Carjackers na 'pulis', sumalakay sa Pasay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sumalakay ang mga armadong carjackers na nagpakilalang mga pulis kung saan tinangay ang isang Toyota Vios na mi­namaneho ng isang ne­gosyante, kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Dumulog sa Pasay po­lice ang biktimang si Ro­berto Calayog, ng Ang Buhay St., V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila at iniulat ang pagtangay ng mga sa­larin sa kanyang To­yota Vios (ZKT-774).

Nabatid na binabag­tas niya ang kahabaan ng Casimiro St. sa Las Piñas City buhat sa bahay ng kaibigan nang sagiin ng isang lumang Mitsubishi Lancer ang kanyang kotse.

Nang bumaba siya upang suriin ang sira ng kanyang sasakyan, bu­ma­ba rin ang apat na sakay ng Lancer, dalawa rito’y armado ng baril at nagpa­kilalang pulis. Agad umano siyang tinu­lak at kinalad­kad pa­pasok sa passenger seat ng kan­yang kotse at saka pini­ringan.

Dito tinangay ng mga salarin ang kanyang wallet, cellphone, relos at pina­andar ang kan­yang kotse. Matapos ang higit isang oras, itinulak siya pa­baba ng mga salarin sa ma­dilim na bahagi ng auxilliary road, Roxas Blvd. sa tapat ng Ja­pa­nese Em­bassy bago tulu­yang tumakas.

vuukle comment

ANG BUHAY ST.

CALAYOG

CASIMIRO ST.

DITO

LAS PI

MITSUBISHI LANCER

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SHY

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with