^

Metro

Bangga bago holdap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sinalpok muna ang si­na­sakyan bago hinoldap ng tatlong hindi nakikila­lang lalaki ang dalawang kawani kung saan nata­ngay sa mga ito ang ha­ lagang tinatayang nasa P1.7 million na nakatakda sanang ideposito sa isang banko kahapon sa Va­lenzuela City.

Kinilala ang mga bik­timang sina Rodelio Ge­ro­nimo at Marites Machu­car,  kapwa empleyado ng Elison Steel Bars, na pag-aari ng isang Eliza­beth Tan.

Sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Dalandanan ng na­banggit na siyudad.

Nabatid na sakay sina Geronimo at Machucar sa service nilang Ford Eve­rest upang ideposito sa bangko ang nasabing ha­laga. Pagsapit sa na­bang­­git na lugar binangga ang likuran ng kanilang sina­sakyan ng mga suspek.

Agad na bumaba si Geronimo upang alamin ang pinsala subalit agad silang tinutukan ng mga baril ng mga suspek.

Nilapitan ng mga sus­pek si Machucar at sa­pilitan kinuha ang dalang pera na nakalagay sa brown bag bago tuma­kas dala ang kotseng hin­di na nakuha ang plaka.

BRGY

ELISON STEEL BARS

FORD EVE

GERONIMO

MAC ARTHUR HIGHWAY

MACHUCAR

MARITES MACHU

RODELIO GE

SHY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with