^

Metro

Susuportahan sa QC, Bistek, Joy B. nagpasalamat sa INC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Bukod sa suporta ng mamamayan ng Quezon City, ang  endorsement ng Iglesia ni Cristo (INC) ang higit na nagpatibay sa inaasahang panalo nina Liberal Party Ma­yoral bet Herbert Bau­tista at Vice Mayoral bet Joy Belmonte sa dara­ting na halalan sa Mayo 10.

Ayon kay Bautista, ang kanyang track re­ cord sa serbisyo publiko at plataporma sa lokal na pamahalaan ang nagbi­gay-daan para ibigay sa kanya ang endorsement ng INC.

“Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng INC, ang endorsement na ito ay higit na magpa­patibay ng aking  kandi­datura sa QC bilang Mayor. Asahan po ninyo na gagampanan ko ang aking tungkulin ng ma­tapat kung mahahalal bilang mayor ng ating lungsod,” pahayag ni Bistek.

Anya, ang endorse­ment ng INC ay maitu­turing na pinal na sang­kap para sa kanyang kandidatura at kandida­tura ni Joy Belmonte. 

“Malaking tulong ang endorsement ng INC, ma­ituturing na malaking hamon sa amin ni Joy ang tiwalang ibinigay sa amin ng mga kapatid sa Iglesia at umaasa po kayong gagawin namin ang aming tungkulin bilang mga lingkod-bayan sakaling manalo sa darating na halalan” dagdag ni Bistek.

Labis namang ikina­galak ni Joy B. ang pag-eendorso at pagkapili sa kanila ng liderato ng INC.

“Naniniwala ako na masusing pinag-aralan at kinilala ng INC ang mga kandidato, ang ka­nilang mga ideas at plataporma bago ibina­baba ang de­sisyon. Ang kanilang tiwala at boto ay lalong nagbigay inspi­rasyon sa akin na ma­pagsilbihan ang mga taga-QC sa abot ng aking maka­kaya,” pa­hayag pa ng batang Belmonte.

ANYA

BISTEK

HERBERT BAU

INC

JOY B

JOY BELMONTE

LIBERAL PARTY MA

QUEZON CITY

SHY

VICE MAYORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with