^

Metro

Trader na Indian national itinumba

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang ne­gosyanteng Indian na­tional nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki, habang isinasara ang kanyang convenience store, sa Tondo, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Gurpal Singh Doal, 37, ng Pasay City, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan at braso.

Hindi pa tukoy ng awto­­ridad ang pagkikilan­lan sa suspek na tuma­kas ma­ tapos ang pama­maril.

Ayon sa ulat, binaril si Doal sa loob ng Nidhan Mini Mart  sa Unit 15, North Bay Building, H. Lopez Blvd., Gaga­la­ngin, Tondo, dakong alas-7 ng gabi nitong Martes.

Nabatid na magsa­sara na sana ito ng tinda­han nang marinig ang mga putok ng baril hang­gang sa bigla na lamang itong humandusay.

Sa naging pahayag sa imbestigador ng misis ni Doal na si Jennelyn Noriega, nakatatanggap umano ng text message ang biktima  sa nakalipas na tatlong araw, na nag­sa­saad na bilang na ang mga araw nito subalit binabalewala umano ito ng biktima dahil wala umano siyang alam na kaaway.

Inaalam din kung may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pagpatay.

AYON

DOAL

GURPAL SINGH DOAL

INAALAM

JENNELYN NORIEGA

LOPEZ BLVD

NIDHAN MINI MART

NORTH BAY BUILDING

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with