Bistek, Joy B. inendorso ng INC
MANILA, Philippines - Inendorso ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sina Liberal Party bets Herbert Bautista at Joy Belmonte bilang kandidatong alkalde at bise-alkalde sa lungsod Quezon.
Kapwa naman nagpasalamat ang dalawa sa ginawang pag-eendorso sa kanila ng maimpluwensiyang religious group.
Naniniwala rin sina Bautista at Belmonte na ang kanilang maayos na track record sa public service at plataporma sa gobyerno ang dahilan kung bakit sila napili ng INC.
Si Bautista ay kasalukuyang bise-alkalde sa lungsod habang si Belmonte naman, isang NGO worker ay anak ni QC Mayor Feliciano Belmonte Jr.
Si Mayor SB ay tatakbong congressman sa fourth district sa lungsod.
“We will cope with expectations of the INC as far as governance is concerned,” ayon kay Aldrin Cuna, chief of staff ni Bautista.
Sa panig naman ni Joy B. labis umano siyang nagagalak sa pag-eendorso at pagpili sa kanya ng liderato ng INC.
“Naniniwala ako na masusing pinag-aaralan at kinikilala ng liderato ng INC ang mga kandidato kasama na rito ang kanilang ideas at plataporma, bago ibinaba ang desisyon. Ang kanilang tiwala at boto ang lalong nagbibigay inspirasyon sa akin na pagsilbihan ang mga taga-QC sa abot ng aking makakaya,” ayon pa kay Joy B.
- Latest
- Trending