Drug pushers, muling kumalat sa Makati
MANILA, Philippines - Dapat ipaliwanag ni Makati City councillor Jun-Jun Binay ang paglipana ng mga drug pusher sa lungsod partikular ang pagkakaaresto sa isang Italian-American call center agent na nagbebenta ng droga na tinatawag na “oxycodone” na ilang metro lamang ang layo sa bahay ng pamilya Binay sa Barangay San Antonio.
“This is a direct result of the Binays’ disbandment of the Makati Anti-Drug Abuse Council which used to be at the forefront of the fight against illegal drugs,” ani Tony Montojo, dating MADAC operation chief bago sinibak sa tungkulin kasama ang iba pang miyembro nito noong nakaraang Pebrero.
Kinilala ni Montojo ang Italian-American call center agent na si Stuart Albert, 45 na naaktuhang nagbebenta ng ilang tablets ng opium-based painkiller na tinatawag na oxycodone.
Naaresto si Albert ng mga ahente ng NBI sa isang bahay sa Banuyo Street, Barangay San Antonio na apat na bloke ang layo sa mansyon ni Binay.
Ayon pa kay Montojo, nasawata na ang drug pushers sa Makati noong buo pa ang MADAC subali’t nang sibakin sila, muling nagbalikan ang mga ito na kung saan nitong nakaraang buwan lamang ay tatlo katao ang naaresto sa Barangay Pio del Pilar na nagbebenta ng 10,000 diazepam tablets at marijuana sa may Waltermart branch sa Chino Roces Street.
Magugunitang, sinibak sa tung kulin si Montojo kasama ang 200 pang MADAC agents dahil na rin sa kautusan ni Mayor Jejomar Binay nang mabatid malapit ang mga ito kay Vice Mayor Ernesto Mercado.
- Latest
- Trending
















