'Obstruction free' sa May 10, tiniyak ng MMDA
MANILA, Philippines - Ipinangako ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanilang lilinisin ang lahat ng pangunahing kalsada at malaya sa anumang uri ng obstruksyon para sa maayos na pagbibiyahe ng mga botante patungo sa mga polling precincts.
Tiniyak ni MMDA Chairman Oscar Inocentes na sapat ang tauhan ng kanilang Traffic and Transport Management Office (PTTMO) sa mga kalsada para mamahala ng trapiko at tumulong sa mga motorista. Nakaantabay rin ang Road Emergency Group at kanilang mga kagamitan sa paglilinis ng kalsada o mga aksidente.
Nakatutok ang operasyon ngayon ng MMDA sa EDSA, C-5, Commonwealth Avenue, Marcos Highway, Quirino Avenue, Roxas Blvd., Ramon Magsaysay Blvd., Araneta Avenue, McArthur Highway at Road 10.
Matapos ang halalan, tiniyak ng MMDA na kanila agad na tatanggalin lahat ng uri ng campaign paraphernalias sa Mayo 11.
- Latest
- Trending



















