Kelot kinatay ng mag-aama

MANILA, Philippines - Labing-limang saksak sa ulo at katawan ang agad na tumapos sa buhay ng isang binata matapos na pagtulu­ngang siyang pagsasaksakin ng mag-aama sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Paghihiganti ang sinasa­bing ugat upang paslangin ng mag-aamang sina Rolando Marquez, 63, electronic techi­nician; Jerry, 32, at Gary ang bik­timang si Ferdinand Ar­gona, 28, ng Molave St., Bayan-bayanan Project 3 sa lungsod.

Ayon sa report, nag-ugat ang pagpatay sa simple at dating alitan kaugnay sa pananakit umano ng biktima sa suspect na si Gary na hu­man­tong sa pagsasampa ng pamilya ng huli ng kaso sa piskalya.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa isang sulok na eskinita sa kanilang lugar sa Molave St., pasado alas -5 ng hapon.

Ayon sa testigong si Mar­lon Mendoza, magsisi­mula pa lamang silang mag-inuman ng biktima nang dumating si Gary na armado ng patalim at big­lang inatake ng mga saksak sa katawan ng biktima.

Kahit sugatan, nagawa pang makatakbo ng biktima ngunit hinabol muli ito ni Gary kasama na ang kanyang tatay at utol na si Jerry na armado ng screw driver at icepick at nang abutan ay tinadtad ito ng saksak.

Sa isinagawang follow-up operation agad namang na­aresto ang mag-aama ha­bang nagtatago sa bubungan ng isang bahay ng kanilang kalugar.

Show comments