^

Metro

2 nanloob, pumatay sa Chinese trader, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Manila Police District (MPD) ang dalawang suspek na miyembro umano ng “Bukas Bodega Gang” na nanloob at pumatay sa isang negosyan­teng Intsik noong isang buwan, sa Tondo, Maynila.

Iniharap sa media ka­hapon ni NBI Director  Nestor Mantaring ang mga nadakip na suspek na sina Eduardo Lucero, 32, alyas “long hair”, ng Sto. Niño, Parañaque City at Eusebio Pebria, 22, alyas “Junjun”, ng Bagong Sikat st., Parañaque City.

Patuloy pa umanong tinu­tugis ang iba pang suspek na kinilala sa mga alyas na Stephen o Gemie; isang alyas Joan; isang alyas Mark at isang alyas Toto at pitong di pa nakikilalang kasabwat.

Ang nasabing mga suspek ay isinailalim sa manhunt operation matapos na pasukin ang bodega ng paninda ng biktimang si Xintuo Weng.

Ayon sa report ang na­arestong mga suspek kasama ang iba pang kasabwat ay pumasok sa Golden Tiffany warehouse noong April 4, 2010  sa Honorio Lopez Blvd., Balut Tondo, Maynila na pag-aari naman ng biktimang si Weng at asawang si Zheng Xiao Yuan.

Magugunita na nang naka­pasok ang mga suspek sa na­sabing warehouse ay na­gising ang biktimang si Weng kaya pi­nag­sasaksak siya ng mga sus­­pek na kung saan ay na­sak­sihan ng misis na si Yuan ang ginawang pagpas­lang sa kanyang mister. Maging si Yuan ay igina­pos at sinaktan at nawalan ng ulirat. Doon na tuluyang kinu­limbat ng mga suspect ang mga gamit sa bodega na nag­kakahalaga ng P560,000.

BAGONG SIKAT

BALUT TONDO

BUKAS BODEGA GANG

EDUARDO LUCERO

EUSEBIO PEBRIA

GOLDEN TIFFANY

HONORIO LOPEZ BLVD

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with