^

Metro

LRT 1 nabulabog sa 'bomba'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Anim na araw bago ang halalan, binulabog ng “bomb scare” ang mga pasahero ng Light Rail Transit-Line 1 makaraang isang itim na bag na unang pinagkamalang bomba ang natag­puan sa Gil Puyat Station sa Pasay City kahapon ng umaga.

Halos dalawang oras na namayani ang tensyon habang maingat na sinusuri ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Pasay police ang inabandonang bag na unang natuklasan ng traffic enforcer ng Pasay Traffic Manage­ment Office na si Eduardo Sarmiento, dakong alas-7:45 ng umaga.

Ayon kay Sarmiento, napuna niya na bitbit ng isang hindi kilalang lalaki na may taas na 5’4’’, katamtaman ang panga­ngatawan at maayos ang bihis, ang itim na bag at maingat pang inilapag malapit sa hagdanang paakyat sa LRT station.

Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang naglaho ang lalaki at iniwanan ang bag kaya’t kaagad niya itong itinawag sa  Police Community Precinct (PCP) 2 na sila namang nag-report sa EOD.

Kaagad namang pinalayo ng mga tauhan ng PCP-2 ang mga pedestrians at pasahero ng LRT habang sinusuri ng mga nagrespondeng tauhan ng EOD ang bag hanggang ipasya nilang pasabugin ito, gamit ang “compressed water bomb”.

Dito nila natuklasan na pawang mga lumang damit at papel lamang ang laman ng bag na posibleng nakaligtaan lamang bitbitin ng may-ari.

AYON

BAG

DITO

EDUARDO SARMIENTO

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

GIL PUYAT STATION

LIGHT RAIL TRANSIT-LINE

PASAY CITY

PASAY TRAFFIC MANAGE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with