Mercado lumaki ang agwat sa kalaban
MANILA, Philippines - Lamang na ng 9.4% at patuloy na umaarangkada sa paglawak ng agwat ni Mayoralty can didate at Makati City Vice Mayor Ernesto S. Mercado sa kanyang mga katunggali sa trust at choice rating para sa naturang pwesto habang anim na araw lamang ang natitira bago ang halalan sa Mayo 10.Ihihayag ni Ver C. Cortado, hepe ng Survey and Research Division ng POLITECHNICOM, isang independenteng survey entity ng University of the Philippines na si Mercado ay nagtala ng 42.5 porsiyento sa kanilang ginawang aktuwal na survey laban sa kanyang kalaban na si Jun-Jun Binay na nagtala lamang ng 31.1 porsiyento sa 2,252 na respondents noong Abril 24, 2010. Milya din ang agwat ni Mercado sa isa pa niyang katunggali na si Erwin Genuino na nagtala ng 13.1% at si Butch Aquino na may naitalang 6% lamang. Lamang din ang Bise Alkalde ni Mercado na si Romulo “Kid” Pena ng 1% with 37.78% laban kay Rico Puno na nakakuha ng 36.99%. Ayon kay Pastor Manuel S. Matias, presidente ng Center for Anti-Graft and Corruption Prevention, Inc., sa dalawang buwan na kanilang community immersion sa dalawang distrito ng lungsod at lihim na pagsubaybay sa sentimiyento ng mga botante, lumitaw na malawakang nais na itigil na at buwagin ang mga makinarya ng pang-aabuso sa poder at korapsyon sa pamahalaang lungsod ng mga tiwaling opisyal at empleyado na tiyak lamang magaganap kung uupo ang bagong administrasyon.
- Latest
- Trending