^

Metro

Bugbog na sa black propaganda, Banal lamang pa rin sa survey

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga black propaganda na ibinabato  ng kanyang kalaban sa pulitika, patuloy naman ang pagtaas ng rating ni Liberal Party congressional bet Jorge “Bolet” Banal, Jr., sa isang survey  na kinomisyon  ng  city government.

Ayon kay Banal, pareho ang resulta ng kinomisyon ng  city govern­ment at isinagawa ng  Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) kamakailan kung saan lumitaw na siya (Banal) ay nakakuha ng 37.8 percent laban sa incumbent represen­tative na si Matias Defensor na mayroong 28 percent. Kinuwestiyon ni Banal ang estilo ng pangangampanya ni Matias kung saan inakusahan niya ito na mapaggawa ng kuwento. Aniya, mali ang ginagawang pag­sa­sangkot sa kanya ni Matias sa isang kuwestiyonableng kontrata na animo’y nagkasala siya ng plunder.

Giit ni Banal, ang kanyang pirma sa authored resolution ni Councilor Ariel Inton ay isa lamang ministerial in nature bilang president pro-tempore ng Quezon City Council. Ipinaliwanag pa ni Banal na dumaan sa ilang committee ang resolution at wala namang  tumutol dito hanggang sa pagtibayin ng city council at pirmahan ng president pro-tempore na tumatayong presiding officer.

ANIYA

AYON

COUNCILOR ARIEL INTON

LIBERAL PARTY

MATIAS

MATIAS DEFENSOR

PULSE ASIA

QUEZON CITY COUNCIL

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with