Chairwoman inireklamo
MANILA, Philippines - Sa korte na inaasahang mauwi ang sigalot ng isang magkapitbahay makaraang magreklamo ang isang lady professor laban sa kanilang chairwoman, mister nito at isang lupon ng barangay dahil sa pananakit at tangkang pagposas sa kanya sa gitna ng pag-aaway sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa reklamong inihain kahapon kay PO2 Reggie delos Reyes, ng Manila Police District-General Assignment Section, ni Annaliza Yanga, professor ng University of Santo Tomas, noong Abril 27 at 28, 2010 umano naganap ang pagtulak sa kanya at tangkang pagposas.
Kabilang sa inirereklamo ni Yanga si Barangay 381, Zone 38 chairwoman Elena Apolinario, sa kasong coercion at physical injury naman sa mister nitong si Edgardo, 47; at lupon tagapamayapa na si Fermin Abigan, 64.
Nag-ugat ang insidente nang sitahin umano nina Edgardo at Abigan si Yanga kung bakit sumulat ito sa Department of Public Works and Highway upang ipalinis ang drainage sa kanilang lugar at na-bypass umano ang chairwoman.
- Latest
- Trending