Kelot dedo sa duwelo
MANILA, Philippines - Napatay ang isang 62-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa kanilang duwelo nang magkapikunan sa pagtatalo sa Sitio Masagana, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Benito Diaz, mekaniko, at residente ng Sitio Masagana, Brgy. Alabang sa naturang lungsod.
Tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Rolando Parco, 50, residente rin ng Sitio Masagana. Naganap ang insidente bandang alas-9:30 ng gabi habang nag-iinuman sina Diaz, Parco at ibang kasamahan.
Sinabi ng testigong si Rialyn Dulay, 19, nagtatalo sina Diaz at Parco sa hindi malinaw na dahilan hanggang bumunot ng patalim si Parco at nakakuha naman ng tubo ang biktima at nagdwelo sa gitna ng lansangan.
Nailagan umano ng suspek ang unang hataw ng tubo ni Diaz at nakatiyempo si Parco upang sunud-sunod na undayan ng saksak ang biktima.
- Latest
- Trending



















