^

Metro

Lim at Moreno mainit na tinanggap sa district 6

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinatunayan ng mga resi­dente ng ikaanim na distrito ng Maynila na tama ang pag­dismis ng Ombuds­man sa kasong isinampa laban kina Mayor Alfredo S. Lim, Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal kaugnay ng pagpa­panatili ng mga oil depot sa lungsod matapos na magpa­kita ang mga ito ng napakainit na pagtanggap sa isina­ga­wang motorcade ng alkalde sa kanilang lugar.         

Paulit-ulit ding isinigaw ng mga residente ang kanilang buong pagsuporta sa alkalde at mga ka-tiket nito kung saan matiyagang naghintay sa daan sa motorcade ni Lim bukod pa sa kasiyahang ma­kita ang alkalde at maka­ma­yan ito na maliwanag na pa­hayag ng pananalig sa pani­nindigan ng alkalde sa isyu ng oil depots.

Nangako rin ang mga resi­dente na kanilang iba­basura ang mga kandidato na kumo­kontra sa ginawa ng alkalde dahil sa umano ay kawalan ng malasakit sa mga taga-lung­sod na maaring mawalan ng hanapbuhay.

Bukod sa 10,000 emple­yado nito na karamihan kundi man lahat ay taga-Maynila ay nakatakdang mawalan ng hanapbuhay, isinaisip din ni Lim ang malaking kita ng lung­sod na mawawala kung pa­aali­sin ang mga malalaking indus­ triya na apektado ng na­turang ordinansa.

BUKOD

MAYNILA

MAYOR ALFREDO S

NANGAKO

OMBUDS

PAULIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with