^

Metro

PDEA aapela sa piyansa ni Buan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain ng motion for recon­sideration sa linggong ito sa Pasig City Re­gional Trial Court ang Philipine Drug En­force­ment Agency (PDEA) upang kuwestiyunin ang pagpa­pahintulot na makapagpiyansa si Man­da­luyong City mayoralty candidate at drug suspect na si Ernest Buan.

Sinabi ni PDEA spokesman Derrick Arnold Carreon kahapon na gagawin nila ang hakbang alinsunod sa kautusan ni PDEA Chief Director General Dionisio Santiago na nagpahayag ng pagkadismaya sa kinalabasan ng kaso laban kay Buan. Sinabi pa ni Carreon na naninindigan ang ahensya na ang pagbebenta ng droga umano ang kasong isinampa laban kay Buan ay non-bailable offense sa ilalim ng Republic Act 9165.

Nadakip ng ahente ng PDEA si Buan noong Enero 29 sa isang shopping complex sa Barangay Ugong sa Pasig City. Limang gramo ng sachets ng cocaine (P20,000) ang nakuha umano sa pangangalaga ni Buan.

Ngunit sa utos na lumabas nitong April 16, pinaboran ni Judge Abraham Borreta ang peti­tion for bail ng kandidato ng Aksyon Demo­kra­tiko. Siya ay pinalaya nitong Biyernes kung saan ayon sa huwes, na ang arresting agents ay nagkamali sa procedure tulad ng paggamit ng sasakyang nakuha mula sa previous opera­tion at ang mislabeling ng ebidensya.

AKSYON DEMO

BARANGAY UGONG

BUAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO

DERRICK ARNOLD CARREON

DRUG EN

ERNEST BUAN

JUDGE ABRAHAM BORRETA

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with