^

Metro

Quezon City handa na sa eleksyon

-

MANILA, Philippines - Hiniling ni Mayor Feliciano Belmonte Jr. sa mga ahensya at departa­mento ng gobyerno na may kinalaman sa ga­gana­ping halalan sa Mayo 10 na siguruhing mapayapa at maayos ang eleksyon.

Dahil dito, inatasan ni Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) at QC Division of City Schools na plantsa­hin na ang lahat ng naki­kitang gusot na maaaring maging sanhi ng prob­lema sa ka­una-unahang automated election ng bansa.

“We should ensure that QC will have a peace­ful and orderly election. This early, we should resolve any prob­lem that might cause any glitches in the May 10 polls,” ani Belmonte sa nakaraang regular exe­cu­tive staff meeting sa QC Hall Bulwagang Amoranto.

Ang kautusan ni Bel­monte ay bunsod na rin ng pag-amin ng QCPD na kulang ang kanilang higit 2,000 mga pulis upang mag­bantay sa Mayo 10 lalo pa na 24-oras ang duty ng bawat isang pulis na itatalaga sa may 1,281 clustered pre­cinct ng lungsod.

Sa ngayon, humiling na ng karagdagang pu­wer­sa ang QCPD sa Re­gional Police Security Mobile Battalion (RPSMB) at National Capital Region Com­mand (NCRCOM).

Inatasan din ng al­kalde ang QCPD na ma­ki­pag-ugnayan na rin nang maaga sa manage­ment, may-ari o caretaker ng may 36 na gym, covered court, multi-pur­pose hall na gagamitin sa halalan. Ayon kay Dr. Rowena Cacanin­din, OIC ng QC Division of City Schools, nakapag-training na ang mga guro ng lungsod na isasabak sa halalan noong Marso 1-20 sa Euro­tel Hotel sa EDSA.

AYON

BELMONTE

DIVISION OF CITY SCHOOLS

DR. ROWENA CACANIN

HALL BULWAGANG AMORANTO

MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

NATIONAL CAPITAL REGION COM

POLICE SECURITY MOBILE BATTALION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with