^

Metro

Kandidatong hinuli sa droga, pinagpiyansa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Pasig City Regional Trial Court na makapagpiyansa ang isang kandidato sa pag­ka-alkalde sa Mandalu­yong City na inaresto ng PDEA dahil sa kaso ng droga.

Itinakda ni Judge Abraham Borreta ng Pasig RTC Branch 154 ang piyansang P500,000 sa kasong pagtutulak ng iligal na droga at P200,000 naman sa kasong posesyon ng iligal na droga kontra kay Ernest Albert Buan, tumatakbong alkalde sa Mandaluyong City.

Sa pagpapalabas ng naturang desisyon, binig­yang-diin ni Borreta ang mahinang mga ebiden­sya umano na inihain ng panig ng prosekusyon. 

Nilinaw rin ng huwes na ang desisyon ay para lamang sa isinampang “petition for bail” ng kam­po ni Buan kung saan nangangailangan pa ring maghain ng sapat na ebidensya ang kampo ng prosekusyon upang ma­patunayan ang pagkaka­sala ng akusado.

Dahil dito, malaya nang makakapangam­pan­ya si Buan sa Manda­luyong City kung saan haharapin nito sa halalan si incumbent Mayor Ben­hur Abalos.

Base sa rekord, dina­kip ng PDEA si Buan noong Enero 29 sa isang buy-bust operation kung saan nakumpiska ang isang plastic sachet na naglalaman umano ng cocaine sa parking lot ng isang restoran sa Pasig City.

ABALOS

BORRETA

BUAN

ERNEST ALBERT BUAN

JUDGE ABRAHAM BORRETA

MANDALUYONG CITY

MAYOR BEN

PASIG CITY

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with